95% ng mga Pinoy networkers ay hindi nagiging successful sa negosyo nila dahil hindi nila alam kung ano ang mga bagay na dapat nilang iwasan. Sa post na ito ay malalaman mo ang limang bagay na dapat mong kalimutan para maging successful ka sa MLM business mo. Ang nakakalungkot lang ay iba sa mga bagay na ito ay itinuturo ng mga upline mo ngayon o ginagawa mo na sa paga-akalang ito ang dapat mong gawin para kumita ka ng malaki sa negosyo mo. Sa loob ng isang taon ko sa MLM industry, ang limang ito ang mga bagay na nakita kong pangunahing dahilan kung bakit marami sa mga Pinoy networkers ay hindi kumikita, or kung kumita man ay nauubos din agad.
1. Professional Hunters – ang turo ng maraming upline ay ang network marketing o MLM ay isang “Number’s Game” - mas maraming prospect; mas maraming pay-in. Totoo naman ito, pero ang turo ng maraming upline ay maging hunter ka, mamusakal sa kalsada, o gawin ang mga bagay na hindi mo normal na ginagawa para marami kang prospects.
Ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga Pinoy ay pasong-paso na sa networking ay dahil sa mga namumusakal o nangingidnap ng mga kakilala para magkaroon ng prospects.
Isipin niyo na lang ang iniisip ng kinidnap mo habang nakikinig siya sa business presentation. “Gagawin ko rin ba ang “kidnap” kapag sumali ako dito para kumita? Ayaw ko nun! Di ko kayang gawin yun!”
Lagi mong tatandaan na isa kang negosyante pag networker ka, at wala kang makikitang matinong negosyante na gagawin ang ginagawa mo ngayon. Kailangan mong ilagay ang sarili mo sa sapatos ng prospects mo at alamin mong mabuti kung kaya rin ba nilang gawin ang ginagawa mong prospecting activity ngayon.

2. Good Talkers - Maraming Pinoy networker ang natuwa sa turo ng upline nila na kailangan ay magaling kang mag-kwento sa mga kakilala mo para kumita ng malaki, kaya ganun ang ginagawa nila. Kwento sila ng kwento ng kwento ng kwento hanggang sa yung taong kausap nila ay tinamad na sa kwento nila.
Ang isang successful na networker ay hindi lang dapat magaling sa kwento, dapat magaling rin silang makinig sa kwento ng kausap nila dahil bibigyan sila nito ng idea kung papano maendorse ang company nila.
Ang MLM ay hindi nakukuha sa puro salita lang, kailangan ay marunong ka rin makinig para maging successful ang prospecting activity mo. Hindi totoo na pag nasa networking ka, magku-kwento ka lang ng magku-kwento ay kikita ka na.
Proper communication ang kailangan mo, at walang proper communication na isang tao lang ang nagsasalita.
3. Too Desperate – Kahit saang larangan, lahat ng taong desperado ay hindi nananalo.
Pero ang nakakalungkot ay marami sa mga Pinoy Networkers ang nagiging desperado ng hindi nila alam. Sila yung mga tao na gagawin ang lahat ng bagay (na humanly possible) para lang magkaroon ng pay-in o prospect. Sympre kasama na rin dyan ang kidnapping, pamumusakal, at kung ano ano pa.
Noong una, ang akala ko sa pamumusakal ay malupit at magagaling na networkers lang ang nakakagawa, pero hindi pala.
Sa tagal ko sa industriyang ito, makikilala ko ang isang networker kung successful ba siya o hindi sa paraan ng pageendorse niya ng kumpanya nila. Quality over Quantity ang dapat sa MLM at mangyayari lang ito kung alam mo ang dapat mong gawin kapag naghahanap ka ng prospects.
4. Not duplicable – Sabi ng idol kong Networker na si Eric Worre – “It doesn’t matter what works; what matters is what duplicates.”
Maraming klase ng marketing strategy at ikaw bilang upline ang responsable sa pagtuturo sa mga downline mo kung ano ang kaya nilang gawin; hindi ang bagay na effective pero hindi kayang gawin.
Marami na akong nakitang Pinoy Networker na sobrang galing, pero hindi kumikita ng malaki dahil hindi siya kayang gayahin ng mga downlines niya. Meron naman akong mga networkers na nakitang sobrang laki ng kinikita kahit hindi naman masyadong malulupit ang mga ginagawa.
Ang sikreto… madali kasi siyang gayahin kaya naduduplicate niya ang sarili niya 50 levels deep.
5. Financially Illiterate - Maraming pera sa Networking at kung gusto mo talagang kumita ng milyon ay pumasok ka sa MLM.
Ang problema sa ibang networkers ay hindi sila marunong humawak ng pera kaya kahit gaano kalaki ang kitain nila ay hindi sila nakakaipon.
Hindi na bago ang ganitong kwento dahil marami ka naring narinig na mga tao na yumaman ng todo tapos naghirap ulit.
Marami rin akong mga Networkers na nakilala na kumita ng malaki tapos ay wala ring nangyari dahil hindi marunong humawak ng pera nila.
Ang isang Successful na Networker ay makikita mo hindi sa laki ng kinikita nila, kundi sa galing nilang humawak ng pera.
Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit maraming Networkers ang hindi kumikita o hindi nagiging successful sa negosyo nila.
Ang tanong ko sa’yo ngayon, alin sa limang ito ang ginagawa mo o ng mga ka-grupo mo?
Kung meron man, dapat ay baguhin mo na ito kung gusto mo talagang maging isang Successful na Networker at kumita ng malaki sa industriyang ito.
May mga upline ka ba na nagtuturo sa’yo ng mga bagay na nabanggit sa taas?
I’m sure marami sa kanila na mga Traditional Networkers na nag-fail ang magtuturo sa’yo ng ganun; pero gagayahin mo pa ba sila?
Tandaan mo palagi na yung mga ginagawa nila dati ang dahilan kung bakit negative ang maraming Pinoy sa Networking, kaya kung gagayahin mo rin ang ginagawa nila, malamang na maging negative din lahat ng prospects mo hindi lang sa networking, kundi pati na rin sa’yo.

To Your Success!
ABOUT THE AUTHOR
ABOUT THE AUTHOR
If you love this blog or it has helped you learn something important, then I'd greatly appreciate it if you will be sharing it with your team. I'd also be delighted to see your comments below so we can exchange our thoughts and experiences about MLM in the Philippines.

Marvin Marcelo

Marvin Marcelo
Contact Me : +63-927-446-0543 / +63-946-215-5429 / +63-933-209-2691
E-mail Me: marvincristobal008@gmail.com
Facebook: http://www.facebook.com/marvin.m.cristobal
Twitter: http://www.twitter.com/vincristobal
Facebook: http://www.facebook.com/marvin.m.cristobal
Twitter: http://www.twitter.com/vincristobal
No comments:
Post a Comment